First run 4km nakasabay ako sa lead pack pagkatapos noon naiwan na ako at nag break-away na yung seven. Kasama dun si Rabeno at Carlo. Pagkatapos sa last 3km inabot ko si Carlo at kasabay ko na si Sharom ng Malaysia. Sa transition ako yung naghahabol kasama yung dalawa at inabot ko na noong 25km sa bike sina Rabeno. Si Rabeno dumikit na sa likuran ko at di na siya pumalit. Ang sabi ko, malapit lang yung pang-apat, kaso ayaw niya pumalit dahil nag-re-reserve ng mabuti para sa last run. Na-warning pa siya dahil sa pagtutok sa akin. Inisip ko na lang magka-team kami kaya inubos ko na ang lakas ko sa bike para makalayo sa mga nilampasan ko.
Results for Filipino Athletes:
Rabeno Javier, 5th/ August Benedicto, 6th/ Carlo Pedregoza, 9th/ Mirasol Abad 5th Overall Female












